MANILA, Philippines – Itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangatlong Miyerkules ng Hunyo ng bawat taon bilang “National Pulmonary Rehabilitation Day”.
Layon nito na itaas ang kamalayan ng publiko sa pulmonary rehabilitation bilang treatment o paggamot para sa pasyente na may chronic respiratory diseases (CRDs).
Ito ay ayon sa Proclamation 1104, ipinalabas noong December 4.
Sinasabing, binigyang diin ng Department of Health (DOH) ang pangaigailangan “to raise public knowledge and appreciation of pulmonary rehabilitation as a well-established and effective standard of care for CRDs, particularly those linked to smoking and vaping” at i-promote ang “prevention, treatment, at rehabilitation efforts.”
Ipinakahulugan ang pulmonary rehabilitation bilang Isang “comprehensive intervention combining exercise training, education, and behavioral modification.”
Idagdag pa na ang pulmonary rehabilitation ay kinilala sa ibang bansa bilang “a standard of care that improves physical and psychological well-being, reduces hospitalizations, and enhances the quality of life of patients with chronic respiratory diseases.”
Ang buwan ng Hunyo ay kilala bilang “No Smoking Month”, naka-mandato sa Proclamation 183 na ipinalabas noong 1993 bilang bahagi ng awareness campaign ng gobyerno sa negatibong epekto ng paninigarilyo.
Inaatasan ng Proclamation 1104 ang DOH na pangunahan ang pagdiriwang ng National Pulmonary Rehabilitation Day at makipag-ugnayan sa non-government organizations (NGOs) gaya ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP) at pribadong sektor “to implement collaborative activities that promote pulmonary rehabilitation in the country.”
Ang direktiba ng Pangulo ay paghikayat din sa mga ahensiya ng gobyerno, local government units (LGUs), government-owned and -controlled corporations (GOCCs), state universities and colleges (SUCs), NGOs, at pribadong sektor na suportahan ang DOH sa pagpapatupad ng pagdiriwang ng National Pulmonary Rehabilitation Day.
Samantala, ipatutupad naman ng Presidential Communications Office (PCO) ang epektibong hakbang “to inform and encourage the public to support the programs, activities, and projects for the celebration of the National Pulmonary Rehabilitation Day.” (KRIS JOSE)