Home NATIONWIDE 4 tigok sa banggaan ng van vs motor sa Cebu

4 tigok sa banggaan ng van vs motor sa Cebu

133
0

MANILA, Philippines – Patay ang apat na katao matapos magbanggaan ang isang wing van at motorsiklo sa Barangay Busay, Cebu City nitong Martes ng hapon, Marso 10.

Base sa ulat, pababa ng kalsada ang wing van nang lumihis ito sa kabilang lane at mabangga ang motorsiklong paakyat. Nangyari ang insidente lampas alas-2 ng hapon.

Nasawi ang tatlong sakay ng motorsiklo — isang 60-anyos na babae at ang dalawa niyang pamangkin, kung saan ang isa ang nagmamaneho — matapos maipit ang motorsiklo sa ilalim ng truck.

Dinala naman sa ospital ang driver ng wing van at ang kanyang kasama, ngunit kalaunan ay pumanaw din ang driver.

Ayon sa mga awtoridad, papunta sana ang babae at ang kanyang mga pamangkin sa Babag 2, isa pang mountain barangay sa Cebu City, matapos magmula sa city proper kung saan nakakuha umano ng pera mula sa utang ang babae. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here