Home NATIONWIDE 40 tauhan ng BuCor ligtas sa pagkakasibak

40 tauhan ng BuCor ligtas sa pagkakasibak

MANILA, Philippines Hindi na tatanggalin sa trabaho ang 40 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na kabilang sa 275 kawani na dapat na mawawalan ng trabaho dahil sa attrition law.

Inihayag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ikinonsidera ng Civil Service Commission (CSC) ang mahabang serbisyo sa BuCor ng 40 kawani nito.

Ginamit na batayan ang CSC Resolution No. 435 kung saan awtorisado ang CSC na bumuo ng polisiya, pamantayan at guidelines sa pag-recruit at pagpili ng mga emleyado sa first at second level positions sa career service.

Magugunita na nasa 275 personnel ng Bucor ang matatangal sa serbisyo ngayong linggo matapos mabigong makumpleto ang eligibility at educational requirements na mandato ng Bureau of Corrections Act of 2013.

Sa ilalim ng naturang batas, binibigyan ang mga Bucor personnel ng limang taon mula sa petsa ng pagpapairal sa  atas para makakuha ng minimum educational qualification at eligibility.

Layunin nito na ma-professionalize at mapaangat ang kwalipikasyon ng mga itinatalaga sa BuCor.

Nabatid na umaabot dapat sa 421 ang matatangal ngunit 41 ang nakapaghain ng early retirement habang 105 ang tumalima na sa eligibility at educational requirements kaya nasa 275 ang posibleng matanggal.

Ayon kay Catapang, bukas ang BuCor sa mga bagong aplikante na nais magtrabaho rito lalo ang kaanak ng mga matatanggal basta’t sila ay karapat-dapat.

“I am encouraging those who will be attrited to have their relatives applied for we still need to fill up 750 vacant positions to meet the 7,430 authorized plantilla positions.” Teresa Tavares

Previous articleEnvironmental damages sa Chocolate Hills ‘di malulunasan ng temporary closure ng resort – Nancy
Next articleArrest warrant vs Quiboloy ihihirit ni Hontiveros kay Zubiri