Home NATIONWIDE 426 nasawi sa rabies noong 2024 – DOH

426 nasawi sa rabies noong 2024 – DOH

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 426 rabies-related deaths noong 2024,

Dahil dito ay nanawagan ang DOH na agarang pabakunahan ang mga alagang hayop kasabay ng pagkakaroon ng awareness sa publiko kaugnay sa rabies prevention.

Ayon sa DOH, 193 kaso o 45% ay dahil sa kagat o exposure sa domestic pets, habang 41% ng mga kaso ay dahil sa unvaccinated animals.

Dagdag pa, 56% sa mga sangkot na hayop ay may hindi tiyak na rabies vaccination status.

Kabilang sa pinaka-apektadong rehiyon ay ang Central Luzon sa 56 kaso, CALABARZON sa 35 kaso at SOCCSKSARGEN sa 43 kaso.

Sumasalamin ang bilang sa malaking paglobo sa kaso ng mga nasawi sa rabies mula sa 235 kaso noong 2020.

Mula 2020 hanggang 2024, kabuuang 1,750 rabies-related deaths ang naitala.

Samantala, mula Enero 1 hanggang Marso 1, 2025 naman ay nakapagtala ang DOH ng 55 kaso ng rabies, o 39% na pagbaba mula sa 90 kaso na iniulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“Ang rabies ay delikado at nakamamatay. 100% ang fatality sa mga kaso noong 2024. Pwede itong makuha sa kagat, kalmot, o sa laway ng hayop na may rabies kung sakaling madilaan ang tao sa sugat, mata, ilong, o bibig,” pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa..

“Rabies is preventable through proper vaccination and responsible pet ownership. We urge the public to take necessary precautions and prioritize their safety,” dagdag ni Herbosa. RNT/JGC