MANILA, Philippines — Lima ang naiulat na nasawi habang 87 ang hindi pa natatagpuan matapos masunog ang pampasaherong barkong MV Jun Aster sa karagatang sakop ng Coron, Palawan nitong Miyerkoles ng gabi.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 42 katao, kung saan 38 pasahero at apat na tripulante, ang nasagip habang nagpapatuloy ang search and rescue operations. Nilinaw nitong maaari pang magbago ang bilang habang nagpapatuloy ang operasyon.







