Home ENTERTAINMENT 50 classic movies ipalalabas ng MMDA sa halagang P50

50 classic movies ipalalabas ng MMDA sa halagang P50

(c) Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Ipapalabas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang 50 sa pinakasikat nitong pelikula sa nakalipas na limang dekada sa halagang P50 lamang sa mga piling sinehan mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chair at MMFF overall concurrent chair Romando Artes na ang promosyon ay bahagi ng “Sine Sigla sa Singkwenta” na nilalayong gunitain ang 50th edition ng MMFF.

(c) Cesar Morales l Remate File Photo

“Ibabalik namin sa big screen ang ilan sa mga hindi malilimutang MMFF films sa halagang P50 lang, na nagpapahintulot sa mga bagong manonood at matagal nang tagahanga na maranasan muli ang mahika ng mga minamahal na pelikulang iyon. These films represent the very best of what the MMFF has offered over the past five decades,” sabi ni Artes sa paglulunsad ng programa sa tanggapan ng MMDA sa Guadalupe, Makati City.

Isang hand-painted na mural ng mga aktor at aktres na kumakatawan sa 50 taon ng mga pelikula sa MMFF ay inihayag din sa kahabaan ng EDSA.

Tampok sa mural ang mga mukha ng mga icon ng pelikula tulad nina Gloria Romero, Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon, Maricel Soriano, Vic Sotto, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Vice Ganda, Amy Austria, Joseph Estrada, Anthony Alonzo, at ang mga yumaong artista. Dolphy, Eddie Garcia at Fernando Poe Jr.

Kabilang sa mga ipalalabas na pelikula ay:

1) Insiang

2) Mano Po

3)Jose Rizal

4) Crying Ladies

5) Ang Panday (1980)

6) Big Night

7) Ang Tanging Ina Mo

8) Minsa’y Isang Gamu-Gamo

9) Langis at Tubig

10) Blue Moon

11)Ang Panday (2009)

12) Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon

13) Walang Forever

14) Bulaklak ng Maynila

15) Moral

16) Himala

17) Captain Barbell (1986)

18) Kung Mangarap Ka’t Magising

19) Ang Alamat ng Lawin

20) Ang Larawan

21) Shake, Rattle, and Roll II

22) Atsay

23) Mga Bilanggong Birhen

24) Kung Mawawala Ka Pa

25) Die Beautiful

26) Agila ng Maynila

27) Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga

28) May Minamahal

29) Sunday Beauty Queen

30) Magic Temple

31) Ang Babae sa Septic Tank 2

32) Brutal

33) Markova

34) Miracle in Cell No. 7

35) Shake, Rattle, and Roll 1

36) Darna (1991)

37) Bad Bananas sa Puting Tabing

38) Karnal

39)Tanging Yaman

40) Firefly

41) Bonifacio ang Unang Pangulo

42) Karma

43) One More Try

44) Imortal

45) Kasal, Kasali, Kasalo

46) Okay Ka Fairy Ko

47) Yamashita the Tiger’s Treasure

48) Gandarrapido Revenger Squad

49) Feng Shui II

50) Rainbow’s Sunset