Home HEALTH 393 patay sa leptospirosis sa 2024; 4,575 kaso naitala

393 patay sa leptospirosis sa 2024; 4,575 kaso naitala

flood water walk - 1

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 4,575 na kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Setyembre 7, mas mataas ng labing-isang porsyento kumpara sa 4,112 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

May 393 na pagkamatay ang naitala sa mga kaso ngayong taon, na 17 porsiyentong mas mababa kaysa sa 475 na pagkamatay sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Binanggit ng DOH na bagamat mas mataas ang kabuuang bilang ng mga kaso ngayong taon, mayroon namang pagbaba ng trend ng mga kaso ng leptospirosis nitong mga nakaraang linggo.

Ayon sa DOH, mula 1,726 mga kaso na iniulat mula Hulyo 28 Hanggang Àgosto 10,2024 , ang bilang ay bumaba ng 77 porsiyento hanggang 396 na kaso lamang mula Agosto 11 hanggang 24, 2024

Sa nagdaang anim na linggo, tatlong rehiyon lamang ang nagtala ng mataas na kaso kabilang ang Central Visayas, Zamboanga Peninsula at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Binabalaan ang publiko laban sa mga panganib ng pagtawid sa tubig-baha.

Pinuri rin ng DOH ang Metro Manila Council sa pagpapalabas ng Metro Manila Development Authority Regulation No. 24-003, s. 2024 na nagbabawal sa paglangoy, paglalaro, paglusong sa tubig-baha. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)