Home OPINION WALANG POLITICAL MANEUVER? O, COME ON!

WALANG POLITICAL MANEUVER? O, COME ON!

194
0

UMEKSENA sa House Quad Committee si dating Iloilo City Major Jed Patrick Mabilog at sinabing kaya siya umalis ng bansa ay dahil sa banta sa kanyang buhay kasabay nang pag-aakusa sa nakaraang administrasyon na nais isahog sa kaso ng droga sina dating Senators Mar Roxas at Franklin Drillon.

Ang tanong, bakit ngayon lang na malapit na ang eleksyon o ang paghahain ng ng certificate of candidacy bago niya naisipang umuwi? Dahil nakikita niyang lahat ng mambababtas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nais na wasaking ang mag-amang Duterte?

Tama naman si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nang sabihin niyang bahagi ng “demolition job” kay Vice President Sara Duterte ang biglaang pag-eksena ni Mabilog sa QuadComm.

At dahil diyan, uminit ang tenga naman ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, isang retiradong pulis, at sinabihan si Dela Rosa na itigil ang pagtatago sa palda ni VP Duterte at sa halip ay harapin ang mga akusasyon sa kanya bilang hepe ng Philippine National Police noong panahon ng madugong war on drugs.

Sabi ni Acop, wala raw basehan ang alegasyon ng senador. Eh halata namang target talaga noon pa lang ng mga mambabatas sa House of Representatives si Inday Sara at mga kaalyado dahil sa plano nitong pagtakbo sa 2028 presidential elections.

At wala rin umanong political maneuver at mahalaga umano ang testimonya ni Mabilog sa QuadComm.

Wala bang political maneuver? O, come on! Eh lahat ng ipinatawag nyo para humarap sa komite ay ipinako-contempt kapag hindi pumabog sa inyo ang sagot at ipakukulong. Pananakot ang ginagawa n’yo!

Walang political maneuver? Weeeh! Hindi nga?

Meron o wala, basta ang alam natin, may nag-aambisyon din na pumalit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang n amula sa HOR.

At lahat ng alam niyang posibleng magiging hadlang sa kanyang ambisyon o magiging balakid sa kanyang ambisyon ay nais niyang mawala sa landas. Tama ba, former Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso? Ay, bakit napasok si Yorme sa eksena? He! He! He!

Bahagi pa ba ng trabaho ng mga mambabatas ang gumawa ng eksena o istorya para lang mapaniwala ang mga tao at makuha ang boto ng mga ito?

Humanda sila. Dito sa Pinas, mas gusto ng mga Pinoy na kumampi sa dehado. Baka mamaya, mag-boomerang sa kanila ang mga ginagawa nila. Hindi natutulog si Carmi Martin. Kayo rin kaya bigla itong sumalakay, magulat na lang kayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here