Home NATIONWIDE Trump binati ni Digong sa pagkapanalo sa US Presidential race

Trump binati ni Digong sa pagkapanalo sa US Presidential race

President Donald Trump toasts Philippines President Rodrigo Duterte, right, at an ASEAN Summit dinner at the SMX Convention Center, Sunday, Nov. 12, 2017, in Manila, Philippines. (AP Photo/Andrew Harnik)

DAVAO CITY – Binati ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Donald John Trump sa pagkapanalo nito sa US presidential election.

TRUMP DUTERTE.jpg

“I extended my warm congratulations on your (Trump) election as President of the United States of America. I hope your new mandate will bring renewed optimism and strength to the American people during these challenging times,” sabi ni Duterte sa kanyang mensahe ng pagbati kay Trump.

Sinabi ni Duterte na inaasahan niya ang tagumpay ng administrasyong Trump at nagbahagi ng mga adhikain para sa higit na kapayapaan at kaunlaran para sa kanilang mga bansa at mamamayan.

Ang dating Chief Executive ay kaibigan ni Trump.

Si Trump, na unang nahalal noong 2016 habang ang Pilipinas ay nasa pamumuno ni Duterte, ay tinalo si Vice President Kamala Harris ng Democratic party. RNT