MANILA, Philippines- Arestado ang pitong indibidwal sa pagbebenta ng registered SIM cards online sa serye ng operasyon sa Metro Manila at Rizal nitong buwan, ayon sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Miyerkules.
“The investigation revealed that these registered SIM cards were sold for prices ranging from PHP 14 to PHP 3,500. The cost is higher for SIM cards linked to verified accounts with payment service providers,” pahayag ng PNP-ACG.
Sa pitong naarestong indibdiwal, apat ang lalaki at tatlo ang babae, kabilang ang kambal, sa entrapment operations na isinagawa sa Valenzuela City, North EDSA Highway sa Quezon City, Pedro Gil at Ermita sa Manila, maging sa Cainta, Rizal.
Sinabi ng mga suspek na nagbenta sila online upang kumita, dahil naobserbahan nila ang lumalakas na demand sa registered SIM cards.
Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act at sa Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012, base sa mga pulis.
“To those selling SIM cards registered in their names and verified accounts linked to payment service provider, be aware that these may be used by cybercriminals for scamming activities, and you could be held liable if caught,” giit ni PNP-ACG chief Police Major General Ronnie Francis Cariaga. RNT/SA