Home METRO 7 sugatan, pabrika ng tela damay sa higit 12 oras na sunog...

7 sugatan, pabrika ng tela damay sa higit 12 oras na sunog sa Tondo

MANILA, Philippines- Hindi pa tuluyang idinideklarang fire out ang sunog sa isang residential area sa Benita Street sa Tondo, Maynila, nitong Martes, Marso 19.

Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection nitong Martes ng hapon, fire under control pa rin ang sunog.

Nagsimula ang sunog sa nasabing lugar na sakop ng Barangay 186, Gagalangin, Tondo dakong ala-1:53 ng madaling araw at inakyat lamang sa ikalawang alarma dahil sa karamihang bahay ay gawa sa light materials.

Pito naman ang naitalang sugatan sa sunog.

Kabilang dito ang tatlong BFP member, dalawang fire volunteers at dalawang sibilyan.

Ang mga iniulat na sugatan ay nagtamo ng laceration, minor burn, at suffocation.

Ayon sa ilang residente sa lugar, muling nagliliyab ang apoy sa ilang bahagi ng mga natupok na kabahayan dahilan para tumagal ang sunog.

Bukod pa rito ay nasunog ang mga tela sa pabrika kaya nahirapan din ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy.

Hindi pa batid ang bilang ng mga apektadong bahay, pamilya at ang naging sanhi ng sunog na gumulantang sa mga residenteng mahimbing na natutulog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSinalakay na POGO hub sa Tarlac pugad ng ilegal na aktibidad
Next articlePromosyon ng 129 AFP officers lusot sa CA