Home METRO 70 pamilya nasunugan sa Cabanatuan

70 pamilya nasunugan sa Cabanatuan

310
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Aabot sa pitumpung pamilya at apatnapung bahay ang tinupok ng apoy sa Barangay Matadero Cabanatuan City nitong Sabado ng hapon.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa isang bahay, bandang alas-2:51 p,m. na tumagal nang dalawang oras at umabot nang ikatlong alarma.

Ayon kay SFO1Alvin Agaño, team leader ng Gen Luna Sub-Station ng BFP Cabanatuan City, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Dahil inabot ng 3rd alarm ang sunog, tumulong ang mga bumbero mula sa mga karatig bayan sa pag-apula pero naging pahirapan dahil sa masisikip ang mga daanan at karamihan ay eskinita.

Nakadagdag pa sa abala ang mga residente sa lugar na hindi naman apektado at mga motorista na nakahambalang sa kalsada.

Gayunman, sa tulong ng mga awtoridad, mga barangay officials at ilang reisidente ay naapula ang sunog, bandang alas 4:27 ng hapon.

Karamihan sa mga residente ay walang naisalbang mga gamit.

Walang iniulat na namatay sa insidente maliban sa dalawang nagtamo ng minor injury sa katawan at ngayon ay ligtas na.

Ang mga apektadong residente ay pansamantalang nananatili sa kalapit na simbahan habang ang ilan ay nanuluyan sa kanilang mga kaanak sa karatig barangay.

Ang ilan ay mas piniling manatili sa covered court ng barangay para mabantayan ang kanilang kaunting naisalbang gamit. MARINA BERNARDINO-SY

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here