MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 71,000 online illegal recruitment site ang tinanggal noong nakaraang taon bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno laban sa human trafficking, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Pebrero 17.
Idinagdag ng DMW na isinara rin noong 2024 ang 15 establisyimento na sangkot sa illegal recruitment.
Sinabi rin ng DMW na palalakasin nito ang pakikipagtulungan nito sa Inter-Agency Council ng Department of Justice Against Trafficking.
“We take care of the victims, so the victims can come up with their different statements that can implicate the various syndicates or perpetrators of human trafficking.”
“We will shelter them, we will provide them assistance, while the case goes on para ma-prosecute successfully itong mga ( these) human traffickers and illegal recruiters,” sabi ng kalihim.
Idinagdag nito na pinag-iisipan nilang ayusin ang mga pasilidad ng tirahan ng mga recruitment agencies sa bansa.
Samantala, sinabi ng DMW na mahigit 20,000 OFWs ang na-repatriate noong nakaraang taon kung saan 3,000 sa kanila ay nagmula sa conflict zones sa Middle East tulad ng Lebanon, Gaza at West Bank.
Dagdag pa ni Cacdac na mayroong 131 repatriates noong nakaraang linggo mula Lebanon.
Bukod dito, sinabi rin ni Cacdac na 135,000 OFWs ang nabigyan na ibat-ibang assistance sa pamamagitan ng AKSYON Fund. Jocelyn Tabangcura-Domenden