MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Supreme Court (SC) Associate Amy C. Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Examinations, na ang University of Santo Tomas (UST) ang magsisilbing national headquarters para sa 2025 Bar Examinations na idaraos sa September 7, 10 at 14.
Ang 2025 Bar Exams ay idaraos sa mga local testing centers sa buong bansa. Anim na core subjects ang saklaw sa tatlong araw na examination.
Ito Political and Public International Law and Commercial and Taxation Laws, Civil Law and Labor Law and Social Legislations at Criminal Law and Remedial, Legal at Judicial Ethics with Practical Exercises.
Inihayag din ni Justice Lazaro-Javier na ang Chairperson para sa 2026 Bar Examinations ay si Associate Justice Samuel H. Gaerlan.
Samantala, sa idinaos na lecture ni Justice Lazaro-Javier sa UST Chief Justice Andres Narvasa Lecture Series sa UST Buenaventura Garcia Paredes OP Building, ipinaalala nito sa mga law students ang mahalagang papel ng pananalita sa legal profession na malinawnna nakasaad sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).
“Words are power… The words we choose are more than just placeholders; they set the tone and communicate our respect for others.”
Binigyan-diin ng mahistrado na dapat gamitin ang pananalita para itaguyod ang pagkakaunawaan at maayos ang mga hidwaan at hindi para makasakit o maghasik ng sigalot. TERESA TAVARES