PANGASINAN- Kamatayan ang sumalubong sa isang matandang lalaking electrician matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang Toyota Innova sa Brgy. San Antonio, Alaminos City ng lalawigang ito kahapon, November 13.
Ayon sa mga otoridad, dead-on-arrival sa ospital ang 72-anyos na driver ng kulay red na XRM Honda 110 na residente ng Alaminos City, Pangasinan samantalang hindi naman nasaktan o nagalusan ang 61-anyos na driver ng Toyota Innova na isang babaing engineer.
Sa imbestigasyon, parehong bumibiyahe ang dalawang sasakyan sa national road sa naturang lugar.
Papuntang kanlurang direksyon ang Toyota Innova samantalang ang motorsiklo naman ay papunta ng silangang direksyon.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang umagaw ng linya ang motorsiklo kaya nagkasalubong ang dalawang sasakyan at nangyari ang banggaan.
Ang driver ng motorsiklo ay nagtamo ng mga serious injury sa naturang insidente na ikinasawi nito. Rolando S. Gamoso