Home NATIONWIDE 8 biktima ng human trafficking nasagip sa Clark airport

8 biktima ng human trafficking nasagip sa Clark airport

MANILA, Philippines – Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang hinihinalang human trafficker habang nasagip naman ang walong biktima nito na narecruit para magtrabaho sa Israel.

Nagtangka ang mga biktima na ilusot sa Clark International Airport (CIA) Terminal 2 sa Pampanga.

Sa pahayag nitong Biyernes, Abril 26, sinabi ng BI protection and border enforcement section (I-PROBES) na nagtangkang sumakay ang suspek kasama ang mga biktima nito sa Emirates Airlines flight at nagpanggap na magpi-pilgrimage sa naturang bansa.

Kalaunan ay inamin ng mga biktima na sila ay narecruit para magtrabaho sa ospital at bilang hotel cleaners pagdating nila ng Israel sa pangakong P60,000 hanggang P80,000 na buwanang sahod.

Ang recruiter ay nagtatrabaho umano bilang travel agent at nangangako sa mga biktima na ipadadala ang mga ito sa mas ligtas na bahagi ng Israel.

Matatandaan na inilagay ang Israel sa Alert Level 2 kasunod ng pag-atake ng Hamas noong nakaraang taon.

“All for money, this recruiter has made her victims agree to such circumstances despite the major life risk,” pahayag ni BI Commissioner Tansingco.

“She should face what she did in court and must be jailed to serve as an example not to prey on the vulnerabilities of our fellow Filipinos,” dagdag niya. RNT/JGC