Home NATIONWIDE Alvarez ‘di nagsisisi sa panawagan na pagbawi ng military support kay PBBM

Alvarez ‘di nagsisisi sa panawagan na pagbawi ng military support kay PBBM

MANILA, Philippines – Sinabi ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez nitong Huwebes, Abril 25 na hindi ito nagsisising ipinanawagan niya sa militar na bawiin ang suporta ng mga ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaan na sa speech ni Alvarez sa “Hakbang ng Maisug” Peace Rally sa Tagum City, Davao del Norte noong Abril 14 na pinangunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay sinabi niya ang mga ito:

“Please withdraw your support to the chief executive. Pag po nag-withdraw kayo ng suporta sa kanya, ibig sabihin, sinusuportahan niyo ang probisyon ng Saligang Batas na, ‘To protect the people and the state.’ Yan po ang pinakamahalaga diyan. Pag nag-withdraw po kayo ng suporta sa kanya, wala na siyang ibang magagawa kundi bababa sa pwesto niya.”

Iniulat na dalawang araw makalipas ang sinabi ay humingi ng tawad si Alvarez. Inaalam naman ng Department of Justice kung maituturing na “seditious” ang pahayag ni Alvarez.

Sa kabila nito, sa panayam ng local media nitong Huwebes ay sinabi ni Alvarez na hindi siya nagsisisi sa mga binitawang salita. RNT/JGC