Home NATIONWIDE 95 dagdag-kaso ng COVID naitala

95 dagdag-kaso ng COVID naitala

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang bansa ng 95 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, Agosto 8.

Ito na ang pinakamababang bagong kaso ng sakit sa nakalipas na apat na buwan.

Kauna-unahan din ito mula Marso 20, 2023 na ang daily tally ay bumaba sa 100.

Batay sa pinakahuling bulletin ng Department of Health, ang aktibong kaso ay bumaba rin sa 3,449 at ang nationwide caseload ay nasa 4,160,455.

Samantala, tumaas naman sa 4,090,365 ang recovery tally at death toll sa 66,640 sa 14 na bagong nasawi.

Nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bagong kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo sa 428, sinundan ng Calabarzon sa 287, Central Luzon sa 234, Western Visayas sa 179, at Cagayan Valley sa 141.

Samantala, ang COVID-19 bed occupancy ay nasa 14.1%, sa 3,351 okupado at 20,440 na bakanteng kama. RNT/JGC

Previous articlePresyo ng school supplies ‘di kontrolado ng DTI
Next articleDredging projects ng mga Chinese firm sa Manila Bay, paiimbestigahan sa Kamara