MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 9,000 balikbayan boxes ang tuluyang naihatid sa kanilang mga nilalayong tatanggap sa tulong ng Bureau of Customs, sinabi ng Department of Migrant Workers noong Lunes, Pebrero 17.
Ayon kay DMW secretary Hans Cacdac, na nakikipagtulungan ang ahensya sa Bureau of Customs na mapabilis ang release ng 9,000 boxes ngunit mayroon pang natitirang 5,000. Kalahati rito ay sa Davao port.
“May deed of donation na na ido-donate sa atin tapos tayo ang mamahagi,” ani Cacdac.
Sa katatapos na pagdinig ng komite ng Kamara, ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nalungkot sa pagkaantala ng paghahatid ng kanilang pinaghirapang balikbayan boxes sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Natuklasan sa pagdinig na ang umano’y nawawalang balikbayan boxes ay idineklara bilang abandon at in-auction ng ilang local freight forwarders.
Sinabi ng DMW na ang iba pang option ay direktang bumisita sa warehouse upang i-claim ang mga balikbayan boxes. Jocelyn Tabangcura-Domenden