Home OPINION PROYEKTONG ‘SANDATA SA KINABUKASAN’ 

PROYEKTONG ‘SANDATA SA KINABUKASAN’ 

388
0
 ANG  laban sa buhay ay masalimuot, lalo sa mga  magulang na sa  kabila ng kakapusan sa buhay ay gagawin ang lahat  upang makapag-aral ang mga anak  para sa kanilang kinabukasan.
 Kahit anong trabaho’y papasukin at kesehodang magdildil ng asin sina tatay at nanay, makaipon lamang ng panggastos para makapasok sa eskuwelahan  sina  ate, kuya at bunso.
 Pero in fairness, may mga lungsod at bayan din naman na ang mga lider na lingkod bayan ay  ramdam ang  mabigat na gastusin ng mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.
 Kaya’t masuwerte ang mga residente ng local government units na ang mga alkalde ay may proyektong  nakakatulong sa mga magulang para sa pag-aaral  ng mga anak.
 Isa  ang Caloocan sa LGUs na sa pamamagitan ng bags, notebooks, pencils at iba pang kagamitan na libreng ibinibigay sa mag-aaral ay naiiibsan ng problemang  gastusin ang mga magulang.
Ang free school supplies sa grade school students sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay nagmula pa nang maging  alkalde noong 2013 si ngayo’y 1st disrtict Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan.
 Sa  kabuuang tatlong termino o siyam na taon bilang alkakde ay  naging kalakaran na  ng kanyang liderato ang pagbibigay ng  libreng  school items sa mga batang mag-aaral sa lungsod.
Ang  libreng  kagamitan ng mga mag-aaral na sinimulan ng noo’y Mayor at ngayo’y Cong. Oca ay hindi nawala, bagkus ay pinayabong pa ni ngayo’y Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan.
 Tinawag na ‘Education Dynamo’ ng Caloocan, si Mayor Along ang responsable sa ‘di matatawarang ipinagbago ng edukasyon sa lungsod sa pamamagitan ng mga programa’t proyekto na isinulong., Ang proyektong libreng kagamitan ni Mayor Along ay magsisilbing sandata ng mga Kabataang Kankaloo  sa kanilang laban tungo sa minimithi nilang magandang kinabukasan.
 Iba kapag ang mga lider  ay   umaaksyon, nagmamalasakit  na  serbisyo sa  tao ang inuuna sa pagsasakatuparan ng kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga maaasahang  public official.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here