Home OPINION MGA SAKRIPISYO NI COL. ARIEL O. QUERUBIN PARA SA INANG-BAYAN (1)

MGA SAKRIPISYO NI COL. ARIEL O. QUERUBIN PARA SA INANG-BAYAN (1)

89
0
Isang abang sanggol sa La Union isinilang
Kaloob ng Diyos sa ating Inang-Bayan
Umukit ng isang magandang kasaysayan
Magbibigay liwanag sa buong Sambayanan.

Ilang beses nasugatan sa pakikipaglaban
Di alintana mga panganib at kapahamakan
Dumanas ng hirap, lungkot at kapighatian
Nalayo sa pamilya dahil sa katungkulan.

Itinuon ang isip at kanyang ginampanan
Ang pagtatanggol sa bayan at mamamayan
Mga kalaban ng pamahalaan, naghahari-harian
Ganap n’yang nagapi upang di pamarisan.

Matapos gampanan sinumpaang katungkulan
Nagpasalamat sa Diyos, nakaligtas sa kamatayan
Nabuhay ng payapa, kasama’y pamilyang mahal
Isang taong may dangal, nagmamahal sa bayan.

Sa kanlurang bahagi ng ating karagatan
Mga dayuhan ay nagbabanta sa kasarinlan
Handa n’yang ialay ang kan’yang buhay
Upang mapanatili, kalayaang ipinaglaban.

Sa paglipas ng panahon, siya’y nabagabag
Ang Inang-Bayan ay pinagsasamantalahan
Mga maiitim ang budhi, nagkakamal ng yaman
Ang dangal ng bayan ay niyuyurakan.

Ang naka ambang panganib ay naiibang laban
Ang paggamit ng armas, di angkop na paraan
Tibay ng dibdib at likas na tapang
Payak na katotohanan, matatag na sandigan.

Sa panahon ngayon, kay daming mapanlinlang
Matatamis na pananalita, puro kabuktutan
Malalagay sa panganib mga mahal sa buhay
Kung hayaang mamayagpag, mga taksil sa bayan.

(Col. Ariel O. Querubin PN (Ret.) Marines
May Akda: Adm. Ramon C. Liwag PCG Ret.)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here