NAPABABALITA, lalo na sa parte ng Mindanao, ang katikasan nitong si Sir Leo Tereso Magno, Secretary of the Mindanao Development Authority (MinDA). Hindi dahil siya ay magaling mangasiwa sa ahensyang kanyang pinamumunuan o kaya’y sa kanya pang isang papel bilang kasapi ng Philippine Signing Minister for the Brunei Darussalam-IndonesiaMalaysiaPhilippines- EAST ASEAN Growth Area o BIMP-EAGA.
Ang katikasan at galing pala nitong si Magno na dati ring Presidential Assistant for Eastern Mindanao at Administrator and Vice Chairman ng Philippine Veterans Investment Development Corporation (PHIVIDEC) ay ang kanyang mahusay na pakikipag-ugnayan kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo, kaya pala nakatawid siya sa Marcos Administration.
Ang siste, galing pa rin sa mga balibalita sa Mindanao, itong si Magno ay “close friend” ng isang senador dahil sa “importation of luxury vehicles” sa pamamagitan ng PHIVIDEC, na ang pangunahing negosyo ay magpasok ng luxury cars at iba pang mga bagay.
Pagmamay-ari rin kasi ni Magno at ng kanyang partners, isa na si Dennis Uy, ang “Golden Sun X-ray machines” at ang ‘designated examination area’ sa Aduana na matagal ng sangkot sa maraming isyu at reports.
Hindi nga kataka-taka kung maging ‘close friend’ din si Magno ni SAP Lagdameo kaya malakas talaga ang mama na to. Isa rin daw si Magno na ‘close political ally ng isa pang senador, at ayon sa balibalita, lagi silang nagkikita sa bahay ni Secretary sa Davao.
Kaya pala malapit din si Magno sa isang ‘STL lobbyist’ na supporter ng malaking pulitiko sa Davao. Itinalaga pala ni Magno ang kanyang sarili bilang ‘key intermediary’ o’ taga-gitna sa mga Marcos at Duterte Group at noong kampanyahan ng May 2022 elections, kapartner na ni Magno si SAP Lagdameo.
‘Di kataka-taka na talagang ‘matibay’ itong si Magno dahil nawala ang dati’y umaalingasaw na baho diyan sa pantalan sa Mindanao dahil sa isyu sa kanyang mga kompanya. Paliwanag mo nga sir SAP Lagdameo ang isyu na ito. Dahil ayon sa bali-balita, nawalang parang bula ang imbestigasyon sa PHIVIDEC at Golden Sun X-Ray Services Corporation nang mag-meeting daw kayo ni Magno. Maghihintay ang pitak na ito sa inyong komento boss, sir, amo, SAP Lagdameo.






