Home OPINION NAKAHANDA ANG CHINA

NAKAHANDA ANG CHINA

182
0

NOONG Setyembre 25, habang muling binabaterya ng ‘Pinas ang China sa ika-79 pulong ng UN General Assembly, “nagulantang” ang lahat nang malaman ang ginawang ‘test-fire’ ng China sa isa nitong ‘ICBM’ (intercontinental ballistic missile) ang ‘DF 31.’

Kaya nitong pasabugin ang lahat ng base militar ng mga Kano sa Dagat Pasipiko, mula ‘Pinas, Korea, Taiwan, Japan, hanggang Hawaii, kasama na ang Australia. At kung “kargado” ng nukleyar, “lusaw” kang bata ka!

Nitong Lunes, nagsagawa rin ng malawakang ‘military drill’ ang China sa paligid ng Taiwan, lalawigan ng China.

Balikan lang natin: ang Taiwan ay bahagi ng teritoryo ng China, isang pekeng republika na ginawa ng mga Kano at sinusuportahan hanggang ngayon matapos matalo sa ‘Chinese Civil War’ ang mga papet nitong tropa (Koumintang) sa puwersa ni Mao Zedong noong 1949.

Ang ginawa ng Kano sa Taiwan ay walang pinag-iba sa ginawang

pekeng republika ng South Vietnam na hindi nangyari matapos talunin ng Vietnam ang mga Kano at palayasin noong 1975.

Ganito rin ang sitwasyon sa ‘Korean Peninsula’ kung saan ‘hybrid states’ ang South at North Korea bilang mga produkto ng ‘Cold War.’

Ambisyon ng Kano na wasakin ang China sapul nang manalo sina Chairman Mao. Ibinasura nito ang sariling ‘One China Policy’ na suportado ng UN at patuloy na inarmasan ang Taiwan.

Ang Taiwan, ‘Pinas, South Korea at Japan, ang gagawing “plataporma” ng mga Kano sa plano nitong agresyon sa China.

Sa ipinakita namang lakas-militar ng China, dapat nang “huminahon” ang mga Kano at alisin ang sobrang kayabangan na walang pwedeng “pumalag” sa kanyang ‘pambubully” at pagiging diktador sa mundo.

Nakahanda– at lalaban– ang China.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here