Home NATIONWIDE PBBM sa pagkakaloob ng ‘clemency’ kay Veloso: We will see

PBBM sa pagkakaloob ng ‘clemency’ kay Veloso: We will see

143
0

MANILA, Philippines – “We will see.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin kung may posibilidad na mapagkalooban ng clemency si Mary Jane Veloso, isang OFW na nakatakdang ilipat sa Philippine facility matapos ang ilang taon na pagkakakulong sa Indonesia makaraang hatulan ng parusang kamatayan sa nasabing bansa dahil sa pagdadala ng ilegal na droga sa naturang bansa noong 2010.

”We will see… ‘di pa maliwanag ano ba talaga… this is the first time that this has happened, everything is on the table,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr. na makakauwi na ng Pilipinas si Veloso, matapos na makabuo ng kasunduan ang Pilipinas at Indonesia para payagang makauwi sa Pilipinas si Veloso.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Indonesian President Prabowo Subianto, at ang Indonesian government sa kanilang kabutihang-loob, at pagpapamalas ng dalawang bansa ng pagtutulungan sa usapin ng hustisya at pagmamalasakit.

Matatandaang, inaresto si Veloso sa paliparan ng Yogyakarta noong 2010 na may dalang 2.6 kilos ng heroin, at hinatulan ng parusang kamatayan.

Iginiit ni Veloso na inosente siya at biktima ng human trafficking. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here