MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na palawigin ng isang oras ang kanilang operasyon sa gabi.
Ginawa ni Transportation Secretary Vince Dizon ang kahilingan noong Lunes matapos niyang inspeksyunin ang sistema ng tren.
Sa kasalukuyan, ang huling biyahe ng MRT-3 mula North Avenue ay alas-9:30 ng gabi araw-araw. Iniutos din ni Dizon ang pagdagdag ng mga tren sa oras ng kasagsagan ng biyahe upang mapabuti ang serbisyo sa mga pasahero.
Dati na rin niyang ipinahayag ang suporta sa pagpapalawig ng oras ng operasyon ng MRT-3 at Light Rail Transit upang mapagaan ang biyahe ng mga commuter. Santi Celario