Home OPINION P633B ANTI-FLOOD FUNDS KINALIMUTAN

P633B ANTI-FLOOD FUNDS KINALIMUTAN

207
0

MALAPIT muli ang tag-ulan, tagbagyo at tagbaha na mapanira sa buhay at ari-arian ng milyon-milyong Pinoy.

Kaugnay nito, alam ba ninyong nilalamon lang ng tatlong taong anti-flood projects ng gobyernong Marcos ang buong isang taong buong collection ng Bureau of Customs?

Sa kabila nito, nariyan ang sobrang mga pinsalang dulot ng mga baha mula sa mga ulan at bagyo na dapat sana’y nababawasan na ng malaki sa laki ng mga dambuhalang pondo o buwis ng mga mamamayan laban sa baha.

Ayon sa BOC, noong 2023, nakakolekta o kumita ito ng mahigit P874 bilyon at noong 2024, P931.046B.

Sa press release ng Senado noong Oktubre 28, 2024, may badyet ang pambansang pamahalaan na P282B laban sa baha at noong 2024, 351B naman habang para sa 2025, P303B naman.

P931B ang kabuuang pondong anti-flood projects ng gobyernong Marcos mula 2023 hanggang 2025.

Gobyerno mismo ang nag-uulat na magkasing-halaga ang kita ng BOC at pondong kontra-bahang pondo nito.

Noong Oktubre 2024, kasama ang pondong anti-flood projects sa mga pinakamaiinit na tinalakay kaugnay ng pagbubuo ng kontrobersyal na 2025 pambansang budget.

Ibinunga ito ng sobrang pagbaha, lalo na sa Metro Manila at Northern Luzon, na idinulot ng super-bagyong Carina noong Hulyo 24, 2024 o dalawang araw lang matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos at ikinamatay ng 39 katao.

Sinundan ito ng bagyong Kristine noong Oktubre 19-21, 2024 na nang-Ondoy sa Kabikulan at ikinamatay ng 178 katao, ikinasugat ng 153 at ikina-missing 23.

Parehong puminsala ang dalawang bagyo ng bilyon-bilyong pisong ari-arian at nagpahirap sa milyon-milyong tao.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, babantayan na nila nang husto ang P303B anti-flood projects para sa 2025.

Pero lumitaw na pinabayaan o kinalimutan na lang nila ang mahigit P633B para sa 2023 at 2024 at kasama sa mga nakasiper ang bunganga ang mga kongresman at Malakanyang.

Mga brad, papayag ba kayo sa asta ng mga mambabatas at Malakanyang dito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here