Home OPINION NCR, BICOL P55B ANTI-FLOOD PROJECTS WAEPEK

NCR, BICOL P55B ANTI-FLOOD PROJECTS WAEPEK

257
0

NOONG Hulyo 30, 2024, inanunsyo ng Presidential Communications Office na may 5,521 na kontra-baha o anti-flood projects ang nakompleto ng gobyernong Marcos simula noong 2022 hanggang Mayo 2024.

Batay sa rekord, may nagsimula pa noong 2017 gaya ng Lumintao Flood Control, Occidental Mindoro; 2018 – Almacen River Improvement Project, Bataan at limang iba pa sa Mindoro at Iloilo City; 2019 – P108,014,642.65 completion of drainage sa Parañaque City at Marikina City.

Noong 2020, may 4 sa Marikina City at 1 sa Paranaque City sa halagang P353,360,258.78; 1 sa Region 2, 2 sa Region IV-B, 2 sa Region 4, 2 sa Region VIII at 7 sa Region XI.

Noong 2021, maraming proyekto na nakakalat sa Metro Manila sa halagang P2,150,068,631.00, Cordillera Adminitrative Region, at Regions 1 hanggang 13 at partikular sa Bicol Region sa halagang P1,062,413,838.94.

Noong 2022, nakakalat din sa lahat ng rehiyon ang mga proyekto at sa Metro Manila lang, nagkahalaga ng P15,576,298,918.89 at sa Bicol Region – P14,422,788,002.51 at noong 2023, para Metro Manila, nagkahalaga ng P11,608,676,385.12 at sa Bicol Region – P9,659,191,996.22.

Noong Mayo 2024, halos lahat ng rehiyon may mga proyekto rin pero sa Metro Manila, may P14,578,209.00 at sa Bicol Region – P14,578,209.

Bibigyan natin ng pansin ang Metro Manila na sinalanta nang husto ni supertyphoon Carina noong Hulyo 2024 at ni Kristine na nang-Ondoy sa Kabikulan noong Oktubre 2024.

Ayon mismo sa DPWH, nagkaroon ang Metro Manila ng anti-flood projects na nagkahalaga ng P29,912, 997, 045.44 habang ang Bicol Region – P25,158,972,046.67 o mahigit P55B.

Matapos makompleto ang proyekto sa dalawang rehiyon gamit ang mga dambuhalang pondong ito at sa rami ng mga proyektong tapos na umano nitong 2024, sinalanta ang dalawang lugar ng grabe at mapaminsala sa buhay at ari-arian.

Pumatay si Carina ng 39 katao at si Kristine ng 178 at sumira ng bilyon-bilyong pisong ari-arian.

Anyare…at bakit walang imbestigasyon sa mga ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here