Home ENTERTAINMENT Fyang, isinasabong kay Sarah!

Fyang, isinasabong kay Sarah!

365
0

Manila, Philippines – Matagumpay ang ginanap na album launch ni Fyang Smith kamakailan.

Nagpakita ng lakas ang fans at supporters sa pagsuporta sa PBB Gen 11 Big Winner.

Naging usap-usapan naman ang viral clips ng paghataw ni Fyang ng ilang hit songs ni Sarah Geronimo kabilang na ang “Kilometro.”

May nakapansin din na tila iba ang ipinamalas na dance steps ng dating PBB housemate kumpara sa pinasikat ng Popstar Royalty.

May mga nang-okray din kay Fyang na diumano’y trying hard na maging song and dance royalty.

Pero marami naman ang nagtatanggol kay Fyang na diumano’y nababatikos dahil sikat na raw.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers.

“Nothing beats the original. Nagmukha siyang TH.”

“Ibang level na si Fyangie. Galing kumanta at humataw.”

“Marami pa siyang kakainin para maging Sarah G.”

“Grabe naman. You don’t compare apples to bananas.”

“Kilo-kilometro pa ang tatakbuhin niya para marating ang narating ng isang Sarah G.”

“Go, Fyang. Suportahan ka lang namin.”

“Sarah G is out. Fyang is in.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here