Home Uncategorized David, ‘nasulot’ ni Ruru!

David, ‘nasulot’ ni Ruru!

262
0

Manila, Philippines – Parang kelan lang nagtapos ang Book 2 ng Lolong, heto’t balitang may follow-up project na agad si Ruru Madrid sa GMA.

Did we hear it right na si Ruru nga ang may kasunod na TV assignment agad?

Kalat na kasi na si Ruru ang magbibida sa Hari ng Tondo.

Teka, hindi ba’t originally ay inalok ito kay David Licauco?

Anyare?

If true na ang HNT nga ang follow-up project ni Ruru after Lolong, hindi 100% ang kasiyahan ng mga loyal network fans.

Bakit hindi man lang ipagpaliban ang HNT nang kahit isang taon, not too soon?

Para daw hindi ma-depress si David, inalok siya ng pampalubag-loob ng GMA.

Wow, as if naman ay maiibsan ang feeling ni David sa guesting lang sa Beauty Empire!

Kinailangan daw kumbinsihin ng produksyon si David na hindi bagay sa kanya ang HNT kundi kay Ruru dahil after all, action star ang packaging nito.

At siyempre, predictable na ang timeslot ng HNT—pantapat sa Batang Quiapo.

If ever, pangatlong beses nang tatapatan ni Ruru si Coco Martin.

Bale ba, pareho pang mga lugar sa Maynila ang pamagat ng magkalabang show!

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here