Home OPINION 2025 P236B PORK BARREL NAKAIIYAK

2025 P236B PORK BARREL NAKAIIYAK

230
0

HINDI lang P142 bilyong pork barrel ang isiningit sa pambansang badyet para sa taong ito.

May P194B din kaya P336B lahat.

Itong P142B ang nasilip nina Sen. Ping Lacson at Sen. Tito Sotto habang ‘yung P194B ang nakita ni Pangulong Bongbong Marcos at kanyang vineto.

Tinawag ng Pangulo ang mga proyektong P194B na hindi tugma sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.

Pero ang P142B, nakalusot sa paningin niya at napirmahan niyang oks.

Isang tanong: Paano kung mapatunayan sa isasagawang imbestigasyon ng Senado na pork barrel nga ang P142B?

Isa pang tanong: Paano kung may mga senador na mapatunayang sangkot dito?

Isa pa: Paano kung may mga kongresman at taga-Malakanyang na sangkot?

Panghuli: Ano-anong mga aksyon ang pwedeng gawin laban sa mga korap o mandarambong?

Korap ang tawag sa kawatan sa kaban ng bayan kung hindi aabot sa P50 milyon ang kaniyang ibinubulsa habang mandarambong ang tawag sa may P50M pataas.

Depende sa lumalabas na impormasyon, malaking bahagi ng P336B pork barrel ang inilaan laban sa baha.

Ilang araw na lang, kalahati na ng 2025 ang lumipas.

Nasaan ang mga anti-flood project?

Binabaha halos lahat ng Pilipinas ngayon hindi lang dahil sa mga bagyo, ulan, habagat at high tide kundi dahil sa kawalan o depektibo o sirang anti-flood projects.

Lalo pang masamang balita sa baha kung isasama rito ang mahigit P600B anti-flood projects sa nakalipas na tatlong taon at ang kalahati ng P303B inilaan para sa 2025.

Sa kabila ng mga dambuhalang pondong bayan mula sa bulsa ng mga mamamayan, nagaganap ang mga grabeng perwisyong baha dahil sa kawalan, depekto o sirang mga anti-flood project, kasama ang ilang pumping station sa Metro Manila.

Pustahan tayo, iiyak at luluha lang ang mga mamamayan kung may ihaharap ang gobyerno na good news laban sa baha sa State of the Nation Address sa Lunes, Hulyo 28, 2025.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here