Home OPINION MAY PRIVATE CHOPPER NA, NAGMAMAKTOL PA!

MAY PRIVATE CHOPPER NA, NAGMAMAKTOL PA!

193
0

SIYAM na tauhan ng mga Bureau of Customs sa NAIA Terminal 3 ang inalis sa pwesto ni Commissioner Ariel Nepomuceno at ngayon ay ‘under investigation’ matapos umanong sumabit sa isang kontrobersiya noong nakaraang buwan.

Kung bakit ngayon lang papatawan ng ‘disiplinary action’ ang mga nasabing empleyado ay pagpapakita ng malaking kaibahan sa lideratro ni Comm. Ariel at ng kanyang pinalitan sa puwesto.

Sa inilabas din na ‘memorandum’ ni Nepomuceno sumunod sa kanyang gusto na itakwil na ang kulturang korap sa ahensya.

Binalaan din ang mga “kunsintidor” na opisyal sa mga baluktot na gawain ng kanilang mga tauhan na kasama sila sa masasampahan ng kaso at masisibak sa pwesto sakaling mabigong aksyunan ang reklamo at pagtakpan ang mga kabulastugan ng kanilang mga nasasakupan.

Sa ganang atin, hindi lang ang siyam na empleyado sa BOC NAIA (na pipilitin nating makuha ang mga pangalan) ang “mamalasin” sa mga darating na araw dahil kahit sa hanay ng mga ‘BOC intelligence operatives,’ sadyang marami pa rin ang “pasaway.”

Hmm. “Naliliitan” kaya sila kay Nepomuceno o sadyang minemenos siya dahil sa kanyang karakter na mahinahon, mabait at disente? Dangan kasi, isa sa mga mahigpit niyang utos ay huwag nang ‘mag-serve’ ng mga “lumang” Letters of Authority at Mission Orders pagkatapos ng Hulyo 2, pero meron palang mga “tengang kawali” at tuloy pa rin sa kanilang dating bugok na estilo.

Mayroon din na kahit walang awtoridad, pinapangunahan ang kanyang District Collector at nag-iisyu ng sariling ‘Alert Order’ kahit alam na bawal ito!

Teka pala, sino ba itong ilang mga dating opisyal ng gobyerno ni BBM na umano’y patuloy na “nagmamaktol” matapos biglaang masibak sa kanilang mga pwesto?

Aber, kahit “saglit” lang sila sa gobyerno, aba’y nakapagpundar ng sariling ‘private helicopter’ at ngayon, masama pa rin ang loob ninyo?

“Grabe” naman kayo, He! He! He!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here