Home OPINION ANG HINDI BINANGGIT SA SONA

ANG HINDI BINANGGIT SA SONA

200
0

DAPAT nating papurihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., aka, ‘Baby M, as in, ‘BBM,’ sa nadama at nakita nating katapatan ng kanyang mga salita sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address nitong Lunes, Hulyo 28,

partikular sa isyu ng kakulangan ng trabaho at garapal na korapsyon sa ‘infrastructure projects,’ partikular na sa ‘flood control projects.’

Napansin naman ng mga miron na “dedma” si Baby M sa katatapos niyang ‘US trip’ nitong Hulyo 20, kung saan inaprubahan niya ang bagong tanikala nang ating pagkaalipin sa Imperyalismong Kano na ikinubli sa Reciprocal Trade Agreement.

Hindi kasi ito nabanggit sa SONA kahit pa nga apektado ng trade agreement ang panghihikayat ni Baby M na ‘mag-invest’ sa ating agrikultura.

Tanong: “Sino” naman ang gustong magbuhos ng puhunan sa ating agrikultura sa harap ng napipintong dominasyon dito ng Amerika?

Tandaan: “Zero tariff” ang mga produkto ng Kano na papasok sa ‘Pinas at bubuwisan naman nang 19-porsyento, mula sa dating 17-porsyento, ang ating mga produkto.

Translation? “Libre” o walang taripa ang ipapasok nilang mga ‘export’ tulad ng soya, bigas, mais, trigo, baboy, baka, manok, etc. etc.

‘Pinas ang “sasalo” sa krisis ng ‘US Farm Sector’ bilang ‘dumping ground’ ng mga ‘surplus US agricultural goods’ na hirap silang maibenta sa ibang bansa dahil naman sa ‘Tariff War’ ni Donald Trump.

Susme. Bumalik tayo sa estadong ‘Neo-Colony’ ni Uncle Sam sapul nang matapos ang ‘World War 2.’

Kung noon ay tiniyak ng ‘Bell Trade Act’ at ‘Parity Amendment’ ang pagiging “bansot” ng ating ekonomiya at kawalan ng soberanya, ibinalik ito ni Baby M sa pinirmahan niyang TRA.

Malaking kataksilan kaya bakit naman niya ipagyayabang sa SONA, aber?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here