Home METRO 3 bata pisak sa bumaligtad na trak

3 bata pisak sa bumaligtad na trak

286
0

Apat ang patay, kabilang ang tatlong bata, matapos bumangga ang isang cement mixer truck sa Barangay Managa, Bansalan, Davao del Sur.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Ron, 39, ng Hagonoy, ang trak nang mawalan ito ng kontrol matapos dumaan sa baku-bakong bahagi ng kalsada sa Sitio Balagunon. Tumagilid ang trak at nasagasaan ang tatlong batang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jun, 9; Ren, 10; at Ronie, 12, pawang taga-Managa, at ang mismong driver ng trak. Nakaligtas naman ang pasahero na si Lino, 45, ng Davao City, na nagbigay ng salaysay sa pulisya.

Dinala sa mga ospital sa Bansalan at Digos City ang mga biktima, ngunit si Lino lamang ang nakaligtas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here