Home OPINION ANG MAY KAKAYAHANG MANGGULO

ANG MAY KAKAYAHANG MANGGULO

250
0

NAGING mapayapa, sa kabuuan, ang mga inilunsad na kilos-protesta nitong Linggo, Setyembre 21, ng iba’t-ibang grupo laban sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.

Maliban siyempre, sa mga naging insidente sa Maynila, kung saan sinunog ang isang container van sa may Ayala Bridge at inabot ng gabi ang ginawang panggugulo ng ilang grupo na pinagbabato at inatake ang hanay ng mga pulis.

Sa ganang atin, malinaw na may manipulasyon at may mga nasa likod sa nangyaring “organisadong karahasan” (‘organized violence’) sa Maynila.

At kung hindi ito iimbestigahang mabuti ng ating ‘national security sector’ hindi malayo na ang mga susunod na demonstrasyon ay mas marahas at mas madugo.

Naniniwala kasi tayo na “pinupulsuhan” pa sa ngayon ng mga ‘mastermind’ kung hanggang saan ba nila kayang samantalahin ang emosyon ng publiko at kung gaano karami ang madedenggoy nilang makilahok sa panggugulo.

Sa ating pagsipat, isang grupo lang ang may kapasidad na “mang-urot” at manguna sa paggawa ng karahasan—ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army bilang pagsunod sa utos ng kanilang “amo,” ang Central Intelligence Agency o CIA.

Oops! Wala pa tayong ebidensiya sa ating tamang hinala, bagaman kung titingnan ang kasaysayan ng CIA at CPP-NPA, pabor sa kanilang interes na laging magulo, may karahasan at walang pagkakaisa ang mamamayan at liderato sa ano mang bansa.

Sa simpleng demonstrasyon lang din laban sa katiwalian nagsimula ang mga kaguluhan kailan lang sa Indonesia at Nepal at ngayon, sa ‘international media,’ lumalabas na ang mga ulat na ang mga karahasan doon ay manipulasyon ng CIA at ng mga bayarang ‘NGOs’ ng ‘legal front’ nito, ang ‘National Endowment for Democracy’.

Samantala, notoryus ang CPP-NPA sa panggugulo upang puwersahin ang gobyerno na maging awtokratiko at magdeklara ng martial law.

Sa mga serye ng bombahan sa Maynila bago ang martial law na inilunsad ng CPP-NPA, pinakanotoryus siyempre ang ‘Plaza Miranda bombing’ noong 1971.

At may “nagkapera” kaya sa nangyaring gulo? Siyempre, meron, hehehe.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here