Home OPINION REGULATED GAMING MAS PALAKASIN

REGULATED GAMING MAS PALAKASIN

422
0

KAYSA itulak ang ‘total ban’ ng mga online sugal, mas mainam kung palalakasin ang licensed and regulated online gaming platforms.

Ayon kay Mark Jansen Magsano, convenor ng Malayang Konsyumer, mas ligtas ang mga manlalaro sa ‘legal platforms’ dahil may ‘safeguards’ tulad ng ‘deposit limits’, ‘self-exclusion tools’, ‘help hotlines’, at mahigpit na proteksyon sa ‘personal data’ at ‘player fund’.

Kung iisipin, may bantay at proteksyon ang mga manlalaro sa ilalim ng regulasyon, pero sa iligal na operasyon ay walang pananagutan at mas mataas ang tsansang mabiktima ng scam, identity theft, o iba pang pananamantala.

Binanggit ni Magsano na kung ipasasara ang regulated platforms, mapipilitang lumipat ang mga manlalaro sa mas mapanganib na ‘underground sites’ na kontrolado ng mga sindikato. Sa halip na masolusyunan ang problema, lalo itong lalala at lalakas ang iligal na operasyon. Dito makikita ang lohika, kapag nawala ang legal na may bantay, ang mamumunini lang ay ang mga sindikatong walang habas kumilos. Ang kawawa ay hindi lang ang mga manlalaro kundi pati ang buong bayan.

Kaya ang panawagan ni Magsano, mas paigtingin ng pamahalaan ang aksyon laban sa illegal online gambling. Dapat kumilos nang sabay-sabay ang Department of Information and Communications Technology, National Telecommunications Commission, Department of Justice, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police.

Batay sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, nasa 250 hanggang 300 illegal offshore gambling firms ang aktibo sa bansa, mas marami pa kaysa lehitimong kompanya.

Ayon naman sa Department of Finance, hindi bababa sa P100 bilyon kada taon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa mga iligal na operasyon.

Ang patuloy na pagdami ng illegal gambling sites ay hindi lang banta sa mga manlalaro kundi pati sa ekonomiya at seguridad ng bansa.

Lumalaki rin ang lugi ng gobyerno, dumarami rin ang krimen at mas maraming Pilipino ang nadadamay sa panganib.

Kung tutuusin, malinaw ang aral, ang legal platforms ay may dalang proteksyon at pakinabang, habang ang iligal ay puro peligro at pananamantala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here