Home OPINION EMV-EQUIPPED MYSSS CARD INILUNSAD NG SSS

EMV-EQUIPPED MYSSS CARD INILUNSAD NG SSS

380
0

BILANG tugon sa direktiba noong Setyembre 8, 2025 na inilabas ni Department of Finance (DOF) secretary at Social Security Commission (SSC) ex-officio chairperson Ralph Recto upang mapabilis ang serbisyo sa mga pensionado at miyembro, opisyal nang inilunsad ng Social Security System (SSS) ang MySSS Card, isang makabagong card na magbabago sa paraan ng pag-akses ng mga manggagawa, pensionado, at kanilang benepisyaryo sa social security benefits at serbisyong pinansyal.

Ayon kay SSS president at chief executive officer Robert Joseph De Claro, dalawang pangunahing layunin ang tinutupad ng MySSS Card, ito ay nagsisilbing opisyal na ID kapalit ng Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card, at nagsisilbi rin bilang debit card na nakakabit sa isang sa­vings account.

Ipinaliwanag ni PCEO De Claro na ang card ay may EMV chip at konektado sa Philippine Identification System (PhilSys) eVerify at biometric authentication, na nagbibigay ng lig­tas at maginhawang paraan upang ma-­akses ng mga miyembro ang SSS benefits at loans, pati na rin ang pa­mamahala ng kanilang pang-araw-araw na transaksyon. Maaari rin itong gamitin para sa pamimili, pamasahe sa pampublikong transportas­yon, at online purchases.

Ang card ay ipamamahagi sa pa­mamagitan lamang ng mga partner banks ng SSS. Magsisimula ito sa Rizal Commercial Banking Corpo­ration at susundan ng iba pang bang­ko kagaya ng Asia United Bank, China Bank, at Union Bank of the Philippines. Dagdag pa ni PCEO De Claro, awtomatikong magsisilbing panguna­hing disbursement account ng mga miyembro ang MySSS Card.

“Kapag nag-apply ang miyembro para sa MySSS Card, ikakabit agad ng SSS ang kanilang savings account sa partner bank para sa benefits, loans, at iba pang disbursement. Hindi na nila kailangang dumaan pa sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM),” ani ng SSS PCEO.

Simula nitong Oktubre 1, 2025, tatanggap na ang SSS ng aplikasyon para sa MySSS Card. Unang magpapatupad nito ang RCBC sa pamamagi­tan ng digital arm nitong DiskarTech.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here