Home OPINION MAHIGIT P217 BILYONG CLAIMS PAYMENT, BINAYARAN NG PHILHEALTH

MAHIGIT P217 BILYONG CLAIMS PAYMENT, BINAYARAN NG PHILHEALTH

296
0

IPINAHAYAG ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagbayad ito ng P217.93 bilyon sa kabuuang benefit claims sa accredited healthcare facilities sa buong bansa.

Ang benefit payout na ito ­ay nagpapakita ng P112.2 bilyon o 94.18 porsyento na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon (Enero hanggang Setyembre 2024).

Sa nasabing benefit payout, P127.79 bilyon ang naibayad sa mga accredited na pribadong health providers, habang P90.14 bilyon naman ang naibayad sa mga pampublikong health care providers.

Binigyang-diin ng PhilHealth na ang malaking bahagi ng na­sabing halaga ay para sa benepisyo ng mga mga kumplikado at malubhang kondisyon. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng claims para sa mga ng Z- Benefit Packages (kabilang ang heart surgery, kanser, at kidney transplantation) at mga serbisyong tulad ng outpatient hemodialysis.

Tinitiyak din ng PhilHealth na ang mga miyembrong may malulubhang sakit ay maka­tatanggap ng tuloy-tuloy at ma­taas na halaga ng pinansyal na su­porta.

Ayon pa sa PhilHealth, ang turnaround time ng pagproseso ng claims ay 22 araw lamang.

Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng proseso ng ng PhilHealth alinsunod sa direktiba ni Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pahusayin ang serbisyo ng ahensya.

Ipinahayag din ng Philhealth na mas makatutugon ang benepisyo kung magbabago ng sistema ng pagbabayad mula sa All Case Rates papuntang Diagnosis-Related Group (DRG) para sa mga mas komplikado at modernong paggamot,

“Ang DRG ay mas makatu­tulong upang matukoy ang antas ng kalubhaan at ang mga resources na kailangan para sa pangangalaga ng pasyente. Sa gayon, matitiyak na ang ating mga healthcare provider ay ma­babayaran nang wasto at tuloy-tuloy para sa paggamot ng mga kumplikadong kondisyon,” paliwanag ni Dr. Edwin M. Mercado, Pangulo at Punong Taga­pagpatupad ng PhilHealth.

Kung may katanungan sa benepisyo ng PhilHealth, tuma­wag sa tumawag sa 24/7 Action Center: (02) 8662-2588 o bisitahin ang www.philhealth.gov.ph.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here