Home OPINION SC, SANDIGANBAYAN VS ROMUALDEZ

SC, SANDIGANBAYAN VS ROMUALDEZ

3
0

BINARA ng Supreme Court si ex-Speaker Martin Romualdez na nagsabing nakagawa ang Office of the Ombudsman ng “malubhang pag-abuso sa kapasiyahan na humahantong sa kawalan o kalabisan ng hurisdiksyon” nang imbestigahan siya kaugnay ng P7 bilyong flood control scam at mga proyektong imprastraktura at kalauna’y sampahan siya ng kasong plunder sa Sandiganbayan.

Kinuwestyon din ni Romualdez ang pag-aaplay ng OMB ng preliminary hold departure order at freeze order sa nasabing yaman at paggamit ng ‘di pwedeng tanggapin na ebidensya.

Hinarang ng PHDO ang pagnanais ni Romualdez na makalabas ng bansa para magpagamot sa kanyang sakit, habang sa freeze order, hindi mailabas sa bangko ang kanyang pera, at binalewala ang pag-atras ng ilang ex-Marines laban sa kanya sa male-maletang salaping idineliber sa kanya mula sa mga nasabing iskam.

Ayon sa SC, naging moot and academic o huli na ang lahat dahil nasampahan na si Romualdez ng plunder (walang piyansa maliban lang kung mahina ang ebidensya para rito) at nasalang na rin siya sa arraignment o pagbabasa ng sakdal.

Samantala, makaraang isiwalat ni Mon Tulfo na nakalalabas-labas si Romualdez sa kanyang kulungan, pinatawag naman agad ng Sandiganbayan sina Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion at Medical Officer Henry Fabro, ng New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon para alamin ang katotohanan.

Lubos namang itinanggi ng dalawa ang pahayag ni Tulfo at sinabi nilang walang hindi awtorisadong galaw sa kulungan si Romualdez at walang brownout para makalabas-labas ito at ginawa nilang ebidensya ang mga kuha ng CCTV sa kulungan.

Kung iisipin, nagsisimula pa lang lahat, hindi pa tapos ang petisyon ni Romualdez para makapagpiyansa at kahit makapagpiyansa siya, lilitisin pa rin ang kaso.

Ang babantayan talaga ay kung magkakaroon ng milagro o misteryo sa kaso sa huli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here