Home NATIONWIDE Blue Mosque sa Istanbul binisita ng Santo Papa

Blue Mosque sa Istanbul binisita ng Santo Papa

237
0

TURKEY – Binisita ni Pope Leo XIV ang sikat na Blue Mosque ng Istanbul sa ikatlong araw ng pagbisita nito sa Turkey.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binisita ni Pope Leo ang isang Muslim place of worship.

Ang Blue Mosque ay kilalang tourist attraction sa Istanbul tampok ang anim na minarests at bubong ng cascading domes, at ang interior nito ay may vibrant blue Iznik tiles.

Sinundan ni Pope Leo ang yapak ni Pope Benedict XVI, na binisita rin ang lugar noong 2006 at ni Pope Francis na bumisita noong 2014.

Inalis ng Santo Papa ang sapatos nito bago pumasok sa mosque, at naglakad sa orange carpet nang naka-medyas.

Nanatili ito ng 15 minuto kasama ang mga Muslim dignitaries.

“He wanted to see the mosque, he wanted to feel the atmosphere of the mosque and he was very pleased,” ayon kay Askin Tunca, ang muezzin ng Blue Mosque.

Hindi katulad ng mga sinundang Santo Papa ay hindi naman binisita ni Pope Leo ang kalapit na Hagia Sophia, isang legendary sixth-century basilica na itinayo noong Byzantine Empire, na ginawang mosque sa ilalim ng Ottoman Empire. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here