Home OPINION AWAY RITO, AWAY ROON

AWAY RITO, AWAY ROON

278
0

LAHAT na yata nag-aaway ngayon.

At may mga pekeng away habang may tunay na away.

Saan kaya patutungo ang lahat?

Magbubunga ba lahat sa kapakinabangan ng buong bayan o sa ikasisira nating lahat?

IMPEACHMENT VS PBBM

Depende sa kung sino ang nagsasalita, sinasabing may halong pekeng away ang namamagitan sa pagitan nina Pangulong Bongbong Marcos at ang abogadong nagsampa ng kasong impeachment laban sa kanya.

May halong pekeng away rito dahil umano sa pagiging abogado ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang bumuo at nagsampa ng impeachment complaint, si Atty. Andre de Jesus.

Si De Jesus ang abogado umano ni FL Liza na nagsampa ng kasong disbarment laban kay dating Biliran Congressman Glenn Chong dahil sa sinabi ng huli na sasampalin nito si FL kung magkita sila at inihayag ito sa Tiktok at YouTube.

Sinabi naman ni Cong. Pulong Duterte na palabas lang ang impeachment complaint para mailihis lang ang mata ng mga mamamayan sa kaguluhan sa korapsyon.

Nagtataka naman si Caloocan City Cong. Edgar Erice sa kakulangan ng “form and substance.”

Kung totoo ito, nakapagtataka ring inendorso ito ni Pusong Pinoy Partylist Representative Jett Nisay, sole proprietor ng JVN Construction and Trading, na isa sa mga inimbestigahan umano ng Independent Commission for Infrastrure kaugnay ng anomalya umano sa P73 milyong infrastructure projects na nakopo ng kanyang kompanya.

Kabibigay pa lang din at hindi pa naipapasa ng Office of the Secretary General ng Kamara at kababalita pa lang sa media, agad na idineklarang dead upon arrival ang impeachment complaint nina Speaker Bodjie Dy at isang Manila congressman ito.

Wala umanong basehan para makasuhan ng impeachment ang Pangulo.

Naghahanda rin umano ang grupong Makabayan at ilang partylist na kaalyado nito ng ibang impeachment complaint laban kay PBBM.

Matagal nang iniuugnay ang Makabayan bloc sa mga New People’s Army at Communist Party of the Philippines na gustong magpabagsak sa gobyerno ng Pilipinas, maging sa gobyernong Marcos, at itayo ang sarili nilang pamahalaan.

IMPEACHMENT VS VP SARA

Mayroon namang kasong plunder at graft na isinampa ng isang dating senador laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman.

Hinango umano nila ang kaso mula sa kasong impeachment na isinampa noong Disyembre 2024 ng civil society group kaugnay ng confidential fund noong Kalihim pa ng Department of Education si VP Sara at iba pang mga batayan.

Gusto ring magsampa ng impeachment complaint ang Makabayan bloc laban kay VP Sara dahil pa rin sa confidential fund na sinasabi naman ng huli na hindi nakitaan ng anomang kaaliwaswasan ng mismong Commission on Audit.

Sa kabilang banda, tahasang sinasabi naman ni VP Sara na pera-pera o fund raising lang ang mga kasong isinasampa laban sa kanya.

Tinitingnan naman ng marami na pulitika ang lahat ng nasa likod sa pagkakaso kay VP Sara.

‘Yun bang === ayaw nilang maging Pangulo ito sa bisa ng halalang presidenyal sa 2028 o kung aalis sa Palasyo nang wala sa panahon si Pang. Bongbong.

Marami pa ang mga nag-aaway kahit sa loob ng Senado, sa pagitan ng Ombudsman at Department of Justice at kongresmen at senador.

Saan kaya pupunta ang Pinas dahil sa mga ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here