Home OPINION 4 TULAY, PATAY SA GABI

4 TULAY, PATAY SA GABI

178
0

MAGANDA na ang lalawigan ng Cagayan sa pagkakaroon ng apat na tulay na tumatawid sa Cagayan River.

Unang tulay ang 1.4 kilometrong Buntun Bridge na binuksan noong 1969 at ikalawa ang Magapit Bridge na binuksan noong 1976 sa ilalim noong panahon ni ex-President Ferdinand Marcos Sr.

Sumunod naman ang dalawa: Ang Amulong Bridge at Camalaniugan-Aparri Bridge na ang huli’y mismong si Pang. Bongbong Marcos ang nagbukas nitong Enero 2026.

Pareho ang huling mga tulay na sinimulan ni ex-President Digong Duterte at natapos sa panahon ni Pang. Bongbong.

Salamat naman kay ex-Governor at ngayo’y Vice Gov. Manuel Mamba na nakaisip na ipagawa ang dalawang huling tulay, na kasama na rin dito si dating Department of Public Works and Highways at ngayo’y Senator Mark Villar at Gov. Edgar Aglipay.

Ang Cagayan River na malupit sa lahat tuwing may malakas na bagyo na lumilikha ng malalakas at nakamamatay na baha ay nagbago na dahil sa apat na tulay.

Hindi na kailangang tumawid sa bangka o balsa ang mga tao para mamasyal, magnegosyo, mag-aral at iba pa.

Isa pa, konektado na ang lahat ng kalsada sa silangan at kanluran ng Cagayan River at hindi na mahirap ang biyahe mula sa Manila o Isabela patungong Aparri, Cagayan o kaya’y mula sa silangan patungo sa mga lalawigan ng Kalinga at Apayao hanggang Baguio City at La Union at Ilocos Norte.

May dalawang malalaking problema nga lang at binubuo ito nang hindi kompletong four-lane na highway mula Tuguegarao hanggang Aparri at hindi katulad ito ng Ilocos Region na kompletong four-lane ang mula Pangasinan-La Union hanggang Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Kapansin-pansin din na patay ang kahabaan ng Maharlika Highway sa pagitan ng Tuguegarao City hanggang Aparri sa gabi dahil walang street light at sarado ang mga restoran at gasolinahan.

Mahirap i-promote ang turismo sa ganitong kalagayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here