Home OPINION MAYNILAD ‘ORO INODORO’, NAGWAGI NG GOLD ANVIL

MAYNILAD ‘ORO INODORO’, NAGWAGI NG GOLD ANVIL

152
0

HUMAKOT ng parangal ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) matapos itong gawaran ng prestihiyosong Gold Anvil Award sa katatapos lamang na 2025 Anvil Awards na ginanap sa Solaire North, Quezon City.

Kinilala ang Maynilad para sa kanilang adbokasiyang “Oro Inodoro”. Ang adbokasiyang ito ay hindi lang tungkol sa pagpapaganda ng banyo—ito ay tungkol sa dignidad, kalusugan, at res­­ponsableng pag-aalaga sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng tamang wastewater ma­nagement.

Nagwagi ang programa sa ilalim ng kategoryang PR Prog­rams–Advocacy/Public Awareness/Cause-Related.

Layunin ng proyektong ito na itaas ang antas ng kamalayan ng publiko hinggil sa sanitasyon bi­lang isang kritikal na isyung pangkalusugan at pangkalika­san.

Oro Inodoro Advocacy Cam­paign Awards ay isang na­­tionwide initiative na nagbi­bigay-pugay sa mga pampublikong palikuran na nagpakita ng huwarang pamantayan sa kalinisan, accessibility, inclusi­vity, at tamang pagtatapon ng maruming tubig. Hindi lamang disenyo at pagsunod sa batas pangkalikasan ang naging basehan; sinuri rin ang mga pasilidad kung mayroon silang mga gamit para sa mga Person with Disabilities (PWD), diaper-changing stations, at mga gender-inclusi­ve na amenities.

Isinagawa ang kampanya sa pamamagitan ng social media platform na Kubeta PH, kung saan hinikayat ang mga Pilipino na i-nominate ang pinakamali­nis na pampublikong palikuran sa ban­sa. Sa loob lamang ng tatlong buwan, nakapagtala ang inisyatibo ng 153 nominasyon, na nagpapatunay sa aktibong pa­kikilahok ng komunidad at lumalagong pag-unawa na ang sanitasyon ay isang kolektibong responsibilidad.

Ang mga nagwagi ay nagmula sa iba’t ibang sektor gaya ng mga opisina ng gobyerno, hotel, mall, transport hubs, paaralan, at mga kainan.
Nagbigay din ng special citations para sa inclusivity at Peop­le’s Choice award.

“Hinihikayat ng kampanyang ito ang mga establisimyento na itaas ang antas ng kanilang mga palikuran at gumamit ng res­ponsableng wastewater practi­ces, na sa huli ay mag-aambag sa mas malinis at mas malusog na mga komunidad,” pahayag ni Marie Antonette H. De Ocampo, Head ng Corporate Affairs and Communication ng Maynilad.

Ang Anvil Awards ay itinuturing na “Oscars” ng public re­lations sa Pilipinas, na iginagawad ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) para sa mga natatanging programa at kagamitan sa komunikasyon.

Saludo ang inyong Agarang Serbisyo Lady sa lahat ng estab­lisimyentong nakiisa para sa mas malinis at mas malusog na komunidad!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here