NASA panic mode na ang administrasyon matapos magdeklara si Vice President Sara Duterte na tatakbo siyang pangulo sa 2028 Presidential elections.
Siyempre, itinatanggi ito ni Palace Spokesperson Undersecretary Claire Castro na nagsabing hindi raw kasindak-sindak ang deklarasyon ni VP Sara.
Pero iba ang sinasabi ni Castro sa HILATSA ng kanyang MUKHA.
Ang mukha niya ay IMBYERNA at hindi maipaliwanag na GALIT o ewan.
Siguro’y natural na niya ang gayong hitsura…na para siyang si CHUCKIE. Har, har, har!
##
Kaya matapos ang deklarasyon ni VP Sara, nagpunta si Pangulong Bebe Em sa Naga City. Nagkita sila ni dating Bise-Presidente at alkalde ng lungsod Leni Robredo para sa isang infrastructure project.
Nagbigay si Bebe Em ng P500 milyong pondo para sa proyekto.
Proud na proud ang mga PINKLAWAN. Bati na kasi ang dalawa.
Sa halagang P500 milyon, hindi na sila galit sa TINATAWAG ni Leni na SINUNGALING, HINDI MAAASAHAN AT MAGNANAKAW. Ahihihi!
##
Proud din si Bebe Em na ipagmalaking nagsuot siya ng kulay na pink na medyas.
Sabi niya, pagpapakita ito ng kanyang respeto kay Mayor Leni.
Respeto? E bakit sa medyas? Bakit hindi na lang t-shirt o paglalagay ng pink na ribbon man lang.
Ipinakita lang ni Bebe Em na wala talaga siyang karespe-respeto kay dating VP Leni. Tingin niya, kaya niyang tapak-tapakan si Leni at siya ang masusunod.
Ang Pinklawan para kay Bebe Em ay madaling utuin. Sa halagang P500 milyon at iba pang pangakong proyekto, ayos na ang buto-buto. Har, har, har!
Hindi makalilimutan ng mamamayan ang ginawa niyang PANGHUHUDAS sa mga Duterte.
##
Tama si VP Sara na kung siya na ang magiging Pangulo ng bansa, dapat ay mapanagot ang mga nandambong sa kaban ng bayan, lalo ang mga nangulimbat sa pondo para sa flood control projects.
Ang isyung ito ang pilit na pinagtatakpan ng Marcos administration. Hanggang ngayon ay nakalalaya pa rin ang mga totoong mastermind ng mga kabulastugan. Unti-unti na silang nakalilimutan ng taumbayan.
Kaya nga sa 2028, magwawagi si VP Sara sa pagkapangulo para maipakulong at maparusahan ang mga buwaya sa gobyernong Marcos. Ito ang tunay na pananagutan.






