Home OPINION NARTATEZ AT MGA ISKALAWAG

NARTATEZ AT MGA ISKALAWAG

210
0

SA Marso 19, 2027, magreretiro na si Philippine National Police chief Police General Jose Melencio Corpuz Nartatez Jr.

Aniya, marami siyang pangarap at nais na programa para magkaroon ng magagandang pagbabago para sa pulisya.

Bagaman isa siyang produkto ng Philippine Military Academy at huling PMAer na magsisilbi bilang hepe ng PNP, naging puso at utak-pulis na siya makaraang magsilbi ito sa pulisya simula noong 1992.

Itong Philippine National Police Academy ang isa sa mga sentro ng mata niya para sa pagbabago.

Paano nga ba hubugin ang mga pulis para epektibo at matapat nilang ipatupad ang sentro ng tungkuling nilang “Protect and Serve” the people na siyang mandato rin ng Konstitusyon?

Sinasabi ng Artikulo II, Seksyon 4 ng Konstitusyon, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.

Hindi lang ‘yan, bahagi sila ng pwersa ng Estado sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pangangalaga ng buhay, kalayaan at ari-arian, at pagtataguyod sa kagalingang panlahatan. (Art. Ll, Sek. 5)

Ang pagsubok sa mga pulis ay nasusukat na paglabas nila sa PNPA training at nasa kanilang mga istasyon, kalsada at kasama ng mga tao.

Sa ngayon, madalas na tinitimbang ang mga pulis ngunit kulang kaya naman, hindi respeto kundi takot mula sa maraming mamamayan ang umiiral.

Napakarami nga naman kasi ang iskalawag.

Noong Hulyo 2016 hanggang Nobyembre, 2025 may 9,027 sinibak sa serbisyo, kasama si ex-PNP chief Nicolas Torre III, at sa 90 unang mga araw ni Nartatez, may 428 na sinibak din.

Kung halos taon-taon ay may sinisibak at sinusupinde na halos 3,000 taon-taon, kaya talagang hindi maiiwasang katakutan at hindi igalang ng mga mamamayan ang mga pulis at nadadamay rito ang mga inosente..

Isipin pang marami rin ang hindi kinakasuhan mula tenyente hanggang heneral.

Puno nga ang palad ni Nartatez para sa dapat na makabuluhan at maraming pagbabago sa PNP ngunit sapat ba ang isang taon niyang paninilbihan para rito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here