Home OPINION BINAY: SUPORTA AT SERBISYO HINDI TITIGIL

BINAY: SUPORTA AT SERBISYO HINDI TITIGIL

123
0

BUONG suporta ang ipinapahayag ng pamahalaang lungsod ng Makati sa panawagan ng pambansang pamahalaan para sa mas maingat at episyenteng paggamit ng enerhiya.

Inihayag ni Makati City Mayor Binay na simula sa Marso 16 ay pansamantalang ipatutupad sa Makati City Hall ang apat na araw na onsite workweek, mula Lunes hanggang Huwebes, na may pinalawig na oras ng serbisyo mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Ayon sa alkalde, ang hakbang na ito ay tugon sa panawagan ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Memorandum Circular No. 114 na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng mga hakbang para sa energy conservation, kabilang ang flexible work arrangements.

Sa totoo lang, hindi lamang simpleng pagbabago sa iskedyul ang layunin ng polisiya subalit bahagi ng mas malawak na pagsisikap upang mabawasan ang konsumo sa enerhiya sa mga tanggapan ng pamahalaan habang patuloy na napapanatili ang episyente at maaasahang serbisyo para sa publiko.

Sa ilalim ng apat na araw na onsite workweek, mas mahahabang oras ang ilalaan sa bawat araw ng serbisyo upang matiyak na hindi maaapektuhan ang pagproseso ng mga dokumento, permit, at iba pang transaksyon ng mga residente at negosyante sa Makati. Sa katunayan, ang pinalawig na oras hanggang alas-7 ng gabi ay inaasahang makatutulong sa mga mamamayan na hindi agad makapunta sa Makati City Hall sa karaniwang oras ng opisina.

Pinatunayan na administrasyong Binay na kaya nitong umangkop sa mga makabagong sistema ng pamamahala. Mula sa digitalization ng serbisyo hanggang sa mga programang nakatuon sa kahusayan ng pamahalaan, nananatiling layunin ng pamunuan ni Mayor Binay na gawing mas mabilis, mas maayos, at mas maginhawa ang pakikipag-ugnayan ng publiko sa local government unit.

Binigyang-diin pa ng alkalde na ang tunay na sukatan ng mabuting pamamahala ay ang kakayahang makiisa sa pambansang adhikain habang sinisiguro na hindi napapabayaan ang kapakanan ng mamamayan.

Sa panahon na kinakailangan ang kolektibong pagkilos para sa mas matipid at responsableng paggamit ng enerhiya, ipinakikita ni Binay na ang pagbabago sa sistema ay maaaring maging hakbang patungo sa mas episyente, mas makabago, at mas serbisyong pamahalaan.

***********

Happy birthday to PCol Santiago D. Pascual III who is celebrating today. Belated happy birthday to Tina Mendoza, of Abante Newspaper and Advance happy birthday to Cherry Castro-Dioso who will have her golden years on March 14.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here