Home OPINION NAGLAYAS SA GITNA NG KRISIS

NAGLAYAS SA GITNA NG KRISIS

143
0

PAUNA lamang sa marami pang problemang darating ang malaking epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Inaangat ng Pilipinas ang karamihan ng ating krudo mula sa China at South Korea. Ngunit ipinahinto ng Beijing ang lahat ng pag-export ng mga produktong langis upang mapanatili ang domestic supply nito. Ganito na rin ang ginagawan ng Seoul para sa kanilang mamamayan.

Wasak ang supply chain. Walang oil tanker na dumaraan sa Strait of Hormuz. Noong Huwebes, isang Iranian sea drone ang nagpasabog ng isang tanker sa labas ng Kuwait.

Kahit matapos ang giyera sa Gitnang Silangan ngayon, aabutin ng isang buwan bago muling masimulan ang mga pasilidad na nawasak. Nagsara nang operasyon ang mga pangunahing pasilidad ng langis sa Persian Gulf. Daan-daang barko na nagdadala nang langis ang nakatengga lang sa Gulpo.

Kapwa ayaw sumuko sa giyera ng US, Israel at Iran. Anoman ang kahinatnan ng digmaang ito, mananatiling mataas ang presyo ng langis. Wasak ang pandaigdigang ekonomiya.

Mas malaki ang tama ng epekto nito sa mga bansang kagaya ng Pilipinas. Wala tayong sariling imbakan ng langis.

Bukod dito, may dalawang milyong Pilipino na nagtatrabaho sa rehiyon na baka mawawalan ng trabaho. Sa kanilang remittance nakasalalay ang malaking bahagi ng ating ekonomiya. Malaki itong problema sa pamamahala sa ating pananalapi.

Sa pagpasok ng 2026, pumalo ang utang ng bansa sa higit na P18 trilyon. Ang pagbabayad sa malaking utang na ito at pandarambong ng mga buwayang pulitiko ang lalo lang pumipigil na makagawa ang bansa ng mga modernong imprastraktura kagaya ng stockpile ng langis. Huli na ang lahat dahil saan naman kukuha ng supply? Wala na rin tayong pambili sapagkat ninakaw lang ng “maleta politicians”.

Hindi tayo nakahanda kasi ang mga buwaya nating lider at mga politiko ay nakatutok sa kanilang mga pansariling interes.

Ngayon lang sila nagre-react sa krisis sapagkat nasa harap na ng kanilang mga mukha ang bombang sasabog. Ang gagaling lang nila sa kanilang mga palabas pero walang alam sa mga istratehiya kung paano tayo makaaahon sa krisis at kahirapan.

Tingnan n’yo ang ating Presidente, kung kailan may nagaganap na problema sa sariling bahay, saka naman naglayas. Minumura tuloy siya ng mga Pilipino sa kanyang pinuntahang bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here