Home OPINION ‘HINDI PAREHAS’ NA PAGTRATO

‘HINDI PAREHAS’ NA PAGTRATO

153
0

PATULOY ang pagtatago ni Charlie ‘Atong’ Ang matapos maisyuhan ng ‘Warrant of Arrest’ sa kaso ng mga “Missing Sabungeros” nitong Enero 2026 at kahit pa may “patong” si Atong na P20 milyon para maaresto, wala pa ring nangyayari.

Muling nasira ang “kamada” ng mala-haring buhay ni Atong dahil sa testimonya ng isa niyang dating tauhan na si Julie ‘Dondon’ Patidongan.

Naging testigo ng gobyerno si Patidongan at “inginuso” si Atong bilang “utak” sa sunod-sunod na insidente nang pagkawala ng may higit na 100 sabungero. Sa imbestigasyon ng gobyerno, lumalabas na 34 sa kanila ay kumpirmadong ‘missing or dead.’

Pero teka, pansin naman ng mga miron, dahil ba si Patidongan ang “star witness” laban kay Atong—na personal na gustong maaresto ni ex-Secretary of Justice at Ombudsman Boying “Bossman” Remulla, dapat na lang balewalain ang kasong panggagahasa (multiple count of rape) laban sa kanya?

At dahil nga isa siyang “star witness” dapat rin ba (raw) siyang bigyan ng ‘special treatment’ sa ilalim ng ‘WPP’ (Witness Protection Program) ng Department of Justice?

Kung matatandaan, sa kainitan ng pagbibida ni Patidongan sa mga umano’y “kawalanghiyaan” ni Atong, lumutang ang isang alias “Grace” at naglabas ng sinumpaang testimonya hinggil naman sa umano ay ilang beses na panghahalay sa kanya nitong si Patidongan noong siya ay menor-de-edad pa lang (16 years old).

Oops! Bago tayo mapagbintangan na kampo ni Atong ang nag-udyok sa atin na sulatin ang bagay na ito, wala tayong sagot kundi… “TUNGGAK” ang iniisip ninyo, hehehe!

Ang may “sentimiyento” sa isyung ito ay ilang kaibigan natin sa Citizens Crime Watch na tumutulong sa biktima ni Dondon at hindi kumporme sa anila ay “hindi parehas” na pagtingin ng DOJ sa reklamo laban sa kanya.

Kung matatandaan pa rin, nitong Pebrero, nagpasaklolo si “Grace” sa CCW dahil “tamang-hinala” siya sa “galawan” ng DOJ sa kanyang reklamo.

May hustisya nga ba sa isang ahensya na hinihinalang “binebeybi” ang nanghalay sa kanya?

Bagaman nga ‘heinous crime’ ang ibinibintang ni Patidongan laban kay Atong, hindi ba “heinous crime” din ang ibinibintang ni Grace sa kanya?

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here