Home OPINION MARAMING NADISKARIL; KAUNTI NAKIKINABANG

MARAMING NADISKARIL; KAUNTI NAKIKINABANG

101
0

HABANG may natutuwa sa mga pribilehiyong ipinamimigay ng pamahalaan, higit na nakararami ang lumuluha sa kapabayaan o sadyang paglimot sa kanila.

Ito ang kalagayan ng mga nasa pampublikong transportasyon, kasama ang mga traysikel driver, jeepney driver, bus driver at iba pang sinasabing kasali sa public transportation.

Pupunta ka lang sa hanay ng mga ito at makipag-usap sa kanila at malalaman mo ang katotohanan dito.

Ayon sa gobyerno, magkakaroon ang mga pampublikong sasakyan o Public utility vehicles ng subsidyong 150 litro kada linggo at makatitipid ang mga jeepney driver ng P18,000 kada buwan.

May P1,500 bawat traysikel driver, P5,000 sa jeepney driver, P10,000 sa bus operator at iba pa ang P5,000 mula sa Department of Social Welfare and Development.

Sa service contracting, na kasali ang public utility vehicles, may kasamang 50,000 na PUVs at 1,000 operators at mababayaran ang bawat isa ng P40 o P100 kada kilometro bkod sa kanilang regular na kita.

Sa mga mananakay, makatitipid naman sila sa 20% diskwento, bukod pa ang diskwento para sa senior citizen, estudyante, person with disability.

Napakagandang marinig ang mga ito ngunit sa tunay na buhay, hindi ganito kaganda ang balita na ikinalulungkot ng higit na nakararaming nasa likod ng mga nasa manibela.

Una, ang mga operator lang ang mabibigyan ng P10,000 bawat bus at isang malayong biyahe lang mula, halimbawa, Manila hanggang Ilocos Norte o Aparri o Albay ang halaga ngunit isang buwan nang nagkakarga ang mga bus araw-araw ng mahal na diesel.

Ikalawa, Ang 50,000 PUVs sa service contracting ay maliit lang ang bilang kumpara sa nasa 200,000 jeepney lamang, hindi pa kasali ang mga bus, sa buong bansa at nasa piling lugar lang ito paiiralin.

Ang traysikel, umuubos ng 10 litro sa maghapon na pasada kaya pang-isang araw at kalahati lang ang P1,500 sa P100 kada litrong gasolina ngunit isang buwan na silang nalulugi.

Tinimbang ngunit na labis na kulang ang pamahalaan sa gitna ng krisis.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here