MANILA, Philippines – MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Claro “Lito” De Veterbo Jr. sa isang courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, at Malacañang, kinilala ang kanyang pambihirang gawa bilang pinakamabilis na tao na binagtas ang Pilipinas, mula Pagudpud, Ilocos Norte hanggang Glan, Sarangani.
Ang pagpupulong ay hindi lamang ipinagdiwang ang makasaysayang Guinness World Record accomplishment ni De Veterbo kundi ang nakaka-inspire niyang adbokasiya para sa “environmental stewardship, sustainability, at responsible tourism sa pamamagitan ng kanyang “Leave No Trace” mission.
Sa isang social media post ng Guinness World Record, sinabi nito na nakamit ni De Veterbo ang world record matapos ang halos five-month trek sa buong kapuluan.
“I went into this with the intent of teaching people how they can enjoy nature while minimizing their impact to the environment. But at the same time, I thought it would be great if I could also simultaneously set a world record,” ang sinabi ng hobbyist mountaineer.
Ang paglalakbay ni De Veterbo ay tumagal ng 147 araw, isang oras, 39 minuto at 53 segundo, kung saan nagmula sa Maira-ira Point sa Pagudpud, Ilocos Norte Province sa hilaga hanggang Tinaca Point sa Glan, Sarangani Province sa timog.
Nagsimula ang kanyang paglalakbay noong Pebrero 9 at nagtapos noong Hulyo 6. KRIS JOSE