IMINUNGKAHI ni Human Rights lawyer at co-convenor ng Artikulo Onse Atty. JV Bautista na kailangang ma-impeach muna si Vice President Sara Duterte bago isulong ang anomang hakbang upang panagutin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Paliwanag ni Bautista, kung mauna si BBM patalsikin ay si VP SARA ang papalit na presidente ayon sa Saligang batas at ” mahalagang isaalang-alang ang magiging epekto nito sa liderato ng ating bansa.”
Sa ilalim ng Saligang Batas, malinaw ang proseso ng paghalili sa panunungkulan. Kung sakaling matanggal sa pwesto ang isang Pangulo, ang Bise Presidente ang hahalili. Ito ay probisyong ginawa upang mapanatili ang katatagan ng pamahalaan, hindi upang maging kasangkapan sa mga maniobrang pampulitika.
Nakababahala ang mga pahayag na nagsasabing dapat munang mapatalsik si VP Sara bago isulong ang anomang hakbang laban kay PBBM. Kung ang batayan ng posisyong ito ay hindi ang lakas ng ebidensya kundi ang magiging resulta sa paghalili sa kapangyarihan, tila may ibang motibo na nakatago sa likod ng mga magagandang salita tungkol sa accountability.
Kung ganoon, ang tunay na balak ng grupo ni Bautista ay halatang pulitika lamang at isang BACKDOOR POWER GRAB ang nais nilang mangyari.
At dahil kalaban na ni BBM at ng maraming dapat managot sa flood control scam, pansamantalang nagsanib pwersa ang mga grupong ” SARA FIRST, BBM LATER” laban sa Bise Presidente.
Pero para sa mga Solid BBM, ang IMPEACH SARA at SAPAT na upang TULOY-TULOT ang LIGAYA. Dahil alam naman ng nagsanib na makaibang grupo na maghihiwa-hiwalay din sila ng landas at batid iyon ni Atty JV.
Paano naman kung ma-acquit si VP Sara? Hahayaan na lang ba ng grupo na magtuloy-tuloy ang pandarambong ng mga nasa administrasyong Marcos dahil BIGO sila na patalsikin si Sara?
Ang impeachment ay hindi dapat gamitin bilang sandata laban sa mga kalaban sa pulitika, ngunit hindi rin dapat hadlangan kung may sapat na batayan upang magsagawa ng imbestigasyon.
Ang tunay na sukatan ng isang demokratikong lipunan ay hindi kung sino ang nakaupo sa kapangyarihan kundi kung pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas sa lahat.
Kung hindi kayang manalong presidente ng MANOK ng grupong dilawan, gagamitin nila ang Saligang Batas para sa kanilang KAPAKANAN?
Backdoor power grab pala ang binabalak sa pag-impeach kay VP Sara at hindi accountability.
Kung ang usapin ay umiikot na lamang sa kung sino ang makikinabang at sino ang mawawalan ng kapangyarihan, malinaw na LUMILIHIS na tayo sa DIWA NG IMPEACHMENT.






